Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

Mga Anunsyo mula sa ika-1 ng Setyembre na Isyu
Paalala – Pansamantalang Pagsasara ng Astronomy Science Museum
Ang Astronomy Science Museum ay pansamantalang magsasara simula Oktubre dahil sa gagawing konstruksyon sa gusali. Ang konstruksyon ay mula Oktubre 1 (Miyerkules) hanggang bandang summer ng susunod na taon. Setyembre 30 (Martes) ang huling bukas na araw ngayong taon. Sa araw din na iyon, mayroong espesyal na event, kaya iniimbitahan kayong lahat na pumunta!
Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa Astronomy Science Museum.
・Telepono: 078-919-5000 ・Fax: 078-919-6000
Makipagtulungan sa Pagtitipid ng Tubig
Ngayong taon, mas maaga natapos ang tag-ulan at kakaunti rin ang ulan. Dahil dito, nagkukulang ang supply ng tubig kung kaya`t hinihingi ang kooperasyon ng lahat na maging mas maingat sa pagtitipid ng tubig.
Mga paraan ng pagtitipid ng tubig sa bahay:
- Huwag hayaang tuloy-tuloy na umaagos ang tubig sa gripo.
- Hugasan ang gulay at pinggan gamit ang tubig na nakalagay sa palanggana.
- Maglaba ng maramihan nang sabay-sabay, hindi paisa-isa.
- Gamitin muli ang tubig mula sa paliguan (halimbawa, para sa paglalaba).
Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa Water Supply Management Section.
・Telepono: 078-918-5064 ・Fax: 078-911-4066
Mag-ingat sa sakit na “Metabo” (paglaki ng tiyan)
Kapag nagkaroon ng “Metabo” (paglaki ng tiyan), mas madali kang magkaroon ng altapresyon, diabetes, sakit sa puso, at sakit sa utak. Ang mga sakit na ito ay maaaring magdulot ng kamatayan.
➞Mag-ingat kung:
- Lalaki: ang baywang ay 85 cm o higit pa
- Babae: ang baywang ay 90 cm o higit pa
➞Mga paraan upang maiwasan ang “Metabo”:
Mag-ehersisyo nang regular
- Bawasan ang oras ng pagkakaupo.
- Gumamit ng hagdan kung maaari.
- Habang nanonood ng TV, igalaw ang mga paa (itaas-ibaba).
Mag-ingat sa pagkain
- Kumain ng almusal, tanghalian, at hapunan araw-araw.
- Bawasan ang alat ng pagkain.
- Kumain ng maraming gulay.
- Tumigil sa pagkain bago lubusang mabusog.
Matulog nang maayos sa gabi
- Matulog sa parehong oras araw-araw.
- Panatilihin ang tamang balanse ng galaw at pahinga.



Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa Health Promotion Section.
・Telepono: 078-918-5657 ・Fax: 078-918-5440








