Paunawa para sa ika-1 ng Mayo 2025 mula sa Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Mga Anunsyo para sa ika-1 ng Mayo na Isyu

Pag-recruit ng mga bata na gustong gumamit ng “After School Childcare Club” ngayong summer vacation

Ang “After School Childcare Club” ay isang lugar kung saan pwedeng manatili ang mga bata nang ligtas pagkatapos ng klase sa elementary school.

Ngayong taon, tumatanggap kami ng mga bata na gustong sumali mula July 18 hanggang August 28.

✅ Maaaring gumamit ng serbisyong ito ang mga elementary students na walang magulang sa bahay sa daytime dahil sa trabaho.

✅ Maaari lamang gamitin ang childcare club ng school kung saan naka-enroll ang bata. (Lahat ng elementary schools sa Akashi City ay may ganitong club.)

🕗 Oras ng paggamit:

•            8:30 AM hanggang 5:00 PM

•            Kung nais, maaaring pahabain ang oras mula 8:00 AM hanggang 7:00 PM, ngunit hanggang 5:00 PM lang tuwing Sabado.

•            Walang pasok tuwing Linggo, holidays, at mula August 13 hanggang August 15.

📅 Para sa gustong mag-apply, mag-submit ng application mula May 7 hanggang May 23 sa mismong “After School Childcare Club”.

📄 Para sa paraan ng pag-apply, basahin ang “Recruitment Guidelines” na makukuha rin sa club. May posibiliad na hindi matanggap ang aplikasyon ng lahat kung sakaling maraming mag-apply.

📩 Malalaman niyo kung tanggap kayo o hindi sa pamamagitan ng mail bago mag June 30. Para sa detalye, paki-scan ang QR code sa kanan.

Para sa mga katanungan, tumawag lamang sa Kodomo Foundation – After School Childcare Club Section

📞 Telepono: 078-915-8170                          📠 Fax: 078-915-8175

Mas naging convenient gamitin ang Akashi Station Multi-Level Parking

Mas pinadali na ang paggamit ng Akashi Station Multi-Level Parking! Simula April, mas naging maluwag ang space at 24 oras na itong bukas! Maaari niyo itong gamitin kahit kailan kapag may trabaho, shopping, o gala.


Para sa parking fees at iba pang info, i-scan lamang ang QR code.

Para sa mga katanungan, i-contact lamang ang Traffic Safety Division

📞 Telepono: 078-918-5036                          📠 Fax: 078-918-5110

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる