Paunawa mula sa ika-1 ng Disyembre 2025 mula sa Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Mga Anunsyo mula sa ika-1 ng Disyembre na Isyu

Siguraduhing sumunod sa mga Road Traffic Law sa tuwing gumagamit ng bisikleta

Simula ika-1 ng Abril 2026, maniningil na ng penalty ang mga lalabag sa Road Traffic Law. Applicable ito sa lahat ng 16 years old pataas na gumagamit ng bisikleta.

  

May 113 violations na kailangang magbayad ng penalty kung sakaling mahuling lumabag dito. Halimbawa:
・Nagdi-drive habang may katawag sa cellphone
・Nagdi-drive habang nakatitig sa screen ng smartphone o keitai
・Hindi sumusunod sa traffic lights / signal

Para sa iba pang impormasyon, mangyaring i-scan at i-check ang QR code sa kanan.

Mga Dapat Tandaan sa Bicycle Traffic Rules
◆ Sa roadway dapat dumaan ang bicycle at dapat laging nasa left side ng kalsada.
◆ Puwede lang sa sidewalk sa special cases tulad ng:

・Kapag may sign na “Ordinary bicycles allowed on sidewalk”
・Mga batang edad 12 at pababa o seniors 70 years old pataas
・Persons with physical disability


Kung nasa sidewalk naman, huwag maging sagabal sa pedestrians at dumaan sa daan na pinakamalapit sa kalsada at siguraduhing mabagal ang takbo..

  
Tumawag lamang sa Traffic Safety Section para sa mga karagdagang katanungan:
📞 Telepono:078-918-5036
FAX: 078-918-5110

 Bakuna para sa Measles (Mashin) at Rubella (Fushin)

Ang Measles (Mashin) at Rubella (Fūshin) ay mga sakit na madaling nakakahawa.

Pwede itong maging sanhi ng malubhang complications kung kaya’t kailangang magpabakuna nito ang mga bata.

Free vaccination (libre) hanggang March 31, 2026 para sa mga sumusunod na nabanggit:

Ang Mashin/Fūshin vaccine ay kailangan 2 doses:

 ・1st dose: mga batang 12 to 24 months old

 ・2nd dose: mga batang pinanganak between April 2, 2019 – April 1, 2020

⚠ Kapag lumagpas sa deadline kinakailangan nang magbayad ng ¥10,000 – ¥20,000.

  

Para sa mga hindi nakapagpabakuna sa noong taong 2024
Extended ang free vaccination hanggang March 31, 2027. I-check ang QR code para sa mas detalyadong impormasyon.

  

Para sa mga katanungan, tumawag lang sa Child Health Section:

📞 Telepono: 078-918-5656

📠 FAX: 078-918-6384

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる