Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

Anunsyo ng Enero 1
Announcement mula sa Astronomical Science Museum (Tenmon Kagakukan)
Magkakaroon na ng Astronomical Science Museum sa Akashi Shimin Hiroba!!
Gagawa ng planetarium sa Shimin Hiroba, kung saan maaaring manood at matuto tungkol sa mga bituin at buwan. May mga explanations din tungkol sa space gamit ang drawings at photos, kaya madali itong maiintindihan kahit ng mga bata.
・Petsa: January 23 (Friday) hanggang January 25 (Sunday)
・Lugar: Akashi Shimin Hiroba
※Para sa oras at iba pang mga detalyadong impormasyon, mangyaring i-check ang homepage ng Astronomical Science Museum.

Tara`t, manood ng mga bituin sa “Tentai Kanbōkai” (Star Watching Event)!
Ang Tentai Kanbō ay isang aktibidad kung saan manonood ng mga bituin sa gabi gamit ang telescope.
・Petsa: January 31 (Saturday)
・Oras: 6:00 p.m. – 7:30 p.m.
・Lugar: Akashi Park – Higashi Shibafu Hiroba
・Bayad: Libre
・Application: Pumunta lang directly sa venue
※Maaaring ma-cancel ang event kung sakaling maging masama ang panahon. Mangyaring i-check ang homepage ng Astronomical Science Museum bago pumunta sa event.


Para sa mga katanungan, maaaring tumawag sa:
Akashi Shiritsu Tenmon Kagakukan
➞Telepono: 078-919-5000
➞FAX: 078-919-6000
May lecture tungkol kay Obara Blas – isang Russian na nakatira sa Japan
May event kung saan puwedeng makinig sa story ni Obara Blas, isang Russian na matagal nang nakatira sa Japan.
📌 Title ng Event:
“Obara Blas no Jibunrashiku Ikiru to wa” (What does it mean to live true to yourself?)
Si Obara Blas ay Russian, pero mula bata pa ay nakatira na sa Japan. Lumabas na siya sa TV, nagsusulat ng mga libro, at nagtatrabaho upang makatulong sa mga dayuhan na nakatira sa Japan. Sa lecture na ito, malalaman ang kanyang mga karanasan bilang isang Russian na nakatira sa Japan.
・Petsa: February 6 (Friday)
・Oras: 6:00 p.m. – 7:30 p.m.
・Lugar: Shigosen Hall (Aspia Akashi North Building, 9th Floor)
・Kapasidad ng taong maaaring makasali: 290 people
・Bayad: Libre
・Aplikasyon: Ibigay ang pangalan, address, at phone number ng participant sa Manmaru Akashi
Maaaring magpareserve sa pamamagitan ng tawag o e-mail.
・Telepono: 078-915-8747
・E-mail address: info@manmaru-akashi.com
※ First come, first served ang magiging sistema ng reserbasyon.
Para sa mga katanungan, mangyaring i-kontak ang:
Tabunka Center Manmaru Akashi
➞Telepono: 078-915-8747
➞FAX: 078-915-8747








