Paunawa para sa ika-15 ng Enero 2026 mula sa Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Mga anunsyo mula sa ika-15 ng Enero na isyu

Siguraduhin ulit ang kaligtasan kapag may lindol

Noong Enero 17, 1995, may nangyaring malakas na lindol. Hindi natin alam kung kailan susunod na lilindol, kaya mahalagang handa tayo para sa sarili at sa pamilya.

Sa timog ng Japan, sa ilalim ng dagat, may lugar na tinatawag na Nankai Trough kung saan madalas magkaroon ng malalakas na lindol.

   

Gawing ligtas ang loob ng bahay

  • Huwag maglagay ng mga gamit na madaling matumba malapit sa higaan o pintuan.
  • I-secure ang mga cabinet at aparador gamit ang bracket o tension rod para hindi matumba kapag lumindol.

Maghanda ng mga kailangan para sa emergency

Mas panatag kung may nakahanda na bago pa mangyari ang lindol.

Mga dapat ihanda:

  • Emergency supplies
    Inuming tubig, pagkain, flashlight,
    portable na banyo, at iba pang kailangan
  • Emergency bag (dala kapag lilikas):
    Pera, driver’s license, residence card,
    listahan ng mga iniinom na gamut

Planuhin ang paglikas gamit ang Hazard Map

  • Makikita sa hazard map ang mga evacuation center at ligtas na lugar.
  • Alamin ang ruta papunta sa evacuation center at mag-usap bilang pamilya kung paano mag-uusap kapag nagkahiwalay.
  • Makikita ang hazard map sa QR code sa kanan.

Tumanggap ng alerto tungkol sa lindol sa cellphone

  • Mag-register sa “Bosai Net Akashi” para makatanggap ng mga abiso tungkol sa lindol at sakuna.
  • I-scan ang QR code sa kanan.
    Piliin ang “Easy Registration”,
    mag-send ng walang laman na email sa akashi@bosai.net,at sundin ang instructions sa reply email.

Para sa karagdagang impormasyon:

Makipag ugnayan sa  General Safety Office
TEL:078-918-5069
FAX:078-918-5140

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる