Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

Mga Anunsyo mula sa ika-15 ng Nobyembre na Isyu
Akashi Play Park – Tara Maglaro!
Magkakaroon ng Play Park kung saan puwedeng maglaro ang mga bata nang malaya.
May mga “Play Leader” na matatanda na umaalalay sa mga bata, kaya puwede ring pumunta kahit mag-isa.
Puwedeng maglaro sa nature—maghanap ng insekto, maglaro gamit ang damo, at gumamit ng iba’t ibang tool.
Petsa:
- Nov. 22 (Sab)
- Dec. 6 (Sab)
- Dec. 14 (Linggo)
Oras:
10:00 AM – 3:00 PM (pwede dumating at umuwi kahit anong oras)
Lugar:
East Lawn Area (Higashi Shibafu Hiroba), Akashi Park
•Hindi kailangan ng bayad o application para makasali. Dumiretso lang sa venue.
Maarin makansel kapah masama ang panahon.
Detalyadong impormasyon at rain updates ay nasa QR code.

Para sa iba pang katanungan:
Park & Coast Section
Tel: 078-918-5039
Fax: 078-918-5109
Mag-ingat sa Norovirus
Ang Norovirus ay virus na nagdudulot ng pagsusuka, sakit ng tiyan, at minsan lagnat.
Madali itong makahawa, lalo na sa winter.
Paano kumakalat?
- Sa kamay, pagkain, o bagay na may virus
- Kahit kaunting virus lang, mabilis nang makahawa
- Alcohol disinfectant ay hindi masyadong epektibo
Para makaiwas:
- Ugaliing maghugas ng kamay (pag-uwi, pagkatapos mag-CR, bago humawak ng pagkain)
- Lutuin nang mabuti ang pagkain—lalo na shellfish
Kung may may sakit sa bahay:
- Hugasan muna ng sabon ang gamit sa pagluluto, tapos i-disinfect
- Sa paglinis ng CR o suka, magsuot ng gloves at mask; linisin nang mabuti at i-disinfect
Para sa iba pang katanungan:
Health Prevention Section
Tel: 078-918-5421
Fax: 078-918-5441








