Paunawa para sa ika-15 ng Marso 2026 mula sa Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Mga Mahahalagang Anunsyo Para sa ika-15 ng Marso na Isyu

Paunawa tungkol sa oras ng pagtanggap.(reception hours) ng “Night/Weekend Emergency Clinic”

Ang “Night/Weekend Emergency Clinic” ay isang klinika na tumitingin sa mga pasyente kapag nagkakasakit sa gabi o sa mga araw ng pahinga (holiday).

Dati, nakatakda na ang oras ng konsultasyon, pero walang malinaw na oras para sa pagtanggap ng mga pasyente.

Simula Abril 1 ngayong taon, ang oras ng pagtanggap ay itinakda na tulad ng sumusunod:

Para sa mas detalyadong impormasyon, pakitingnan ang QR code sa kanan.
Maaari ninyong i-check ang pagkakasunod-sunod ng konsultasyon at iba pang detalye.

Para sa mga katanungan tungkol sa artikulong ito, makipag-ugnayan sa Health General Affairs Section.
TEL: 078-918-5414.  FAX: 078-918-5440.

Tungkol sa oras ng konsultasyon ng Akashi Universal Dental Clinic

Ang Akashi Universal Dental Clinic ay isang dental clinic na matatagpuan sa tabi ng Akashi City Hospital.

Para sa mga biglaang sumasakit ang ngipin at iba pang emergency, tumatanggap sila ng pasyente kahit Linggo at mga pista opisyal.

Simula Abril, magbabago ang oras ng konsultasyon tuwing araw ng pahinga.

Hanggang Marso:
10:00 AM hanggang 1:00 PM

Simula Abril:

  • Tuwing Linggo at pista opisyal: 10:00 AM hanggang 12:00 PM
  • Mula Mayo 3 hanggang Mayo 6 at Disyembre 29 hanggang Enero 3: 10:00 AM hanggang 2:00 PM

Makikita ang homepage ng Akashi Universal Dental Clinic sa pamamagitan ng QR code sa ibaba.

Para sa mga katanungan tungkol sa artikulong ito,

makipag-ugnayan sa Health General Affairs Section.
TEL: 078-918-5414.
FAX: 078-918-5440.

Kung hindi mo alam ang dapat gawin kapag may sakit o injury, maaari kang kumonsulta sa telepono

Halimbawa, sa mga sumusunod na sitwasyon, kahit sino ay maaaring tumawag anumang oras. Libre ang konsultasyon.

  • Kapag hindi mo alam kung dapat ka bang tumawag ng ambulansya
  • Kapag hindi mo alam kung saang ospital pupunta

Tumawag sa “Emergency Safety Center Hyogo.”Available ang linya 24 oras, araw at gabi.

TEL: #7119 

TEL: 078-331-7119

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる