Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

Mga Anunsyo mula sa ika-1 ng Abril na Isyu
Magbubukas na ang “Akashi Youth Port” simula ika-1 ng Abril
Ang Akashi Youth Port ay bagong lugar para sa mga elementary, junior high, at senior high school students.
Maaaring gamitin nang libre ang mga sumusunod:
a. Free corner (tambayan)
b. Music room
c. Study room
👉 Paano Gamitin:
1. Magpa-member sa Akashi Youth Port.
2. Hindi kailangan ng reservation para sa study room at free corner pero kailangan ng reservation para sa music room.
🕒 Oras ng Bukas:
– Weekdays (Lunes–Biyernes): 5:00 PM – 9:00 PM
– Sabado, Linggo, at Holidays: 9:00 AM – 5:00 PM
📍 Lugar: JA Total Support Center, 3rd Floor (500-2 Uozumi-cho Nishioka)
Para sa mga katanungan patungkol dito, maaaring magtanong sa pamamagitan ng tawag sa 070-1550-6737 o mag padala ng e-mail sa s-akashi-s@brainhumanity.or.jp
Tulong sa gastos sa Bakuna at Antibody Test para sa mga sakit na shingles, pneumonia, at rubella
Ang lungsod ng Akashi ay nagbibigay ng tulong pinansyal para sa pagpapabakuna o antibody test laban sa mga sakit na shingles, pneumococcal infection, rubella
💉 Bakuna laban sa shingles (帯状疱疹 / taijouhoushin)
Ang mga sumusunod na tao ay maaaring makatanggap ng subsidy o tulong sa bayad para sa shingles vaccine:
1. Mga edad 65, 70, 75, 80, 85, 90, 95, 100 at ang mga mahigit 100 years old
2. Mga edad 60–64 na may partikular na kapansanan
3. Mga edad 50–59 na magpapabakuna mula April 1, 2025 hanggang August 31, 2026
Para sa mas detalyadong info, i-scan ang QR code sa kanan.

💉 Bakuna laban sa pneumococcal infection (肺炎球菌 / Haienkyuukin)
Ang mga hindi pa nababakunahan laban sa pneumococcal ay maaaring tumanggap ng tulong kung:
1. 65 years old ka ngayon
2. 60–64 years old na may partikular na sakit o kapansanan
Tingnan ang detalye sa QR code sa kanan.


💉 Bakuna laban sa rubella (風しん / Fushin)
Para ito sa mga hindi pa nakakatanggap ng subsidy dati:
1. Mga babaeng gustong magkaanak at ang kanilang partner
2. Mga kasama sa bahay ng buntis
Tingnan ang detalye sa QR code sa kanan.

Kung may mga katanungan patungkol sa article na ito, makipag-ugnayan sa “Hoken Yobouka” (Health Prevention Division).
Telepono: 078-918-5668
Fax: 078-918-5584