Paunawa para sa ika-15 ng Mayo 2025 mula sa Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Mga Anunsyo mula sa ika-15 ng Mayo na Isyu

Maaaring makabili ng mga recycled na furniture

Sa lungsod ng Akashi, nirerecyle at ibinebentang muli ang mga furniture na itinapon na bilang basura.

Makikita ninyo ang mga recycled na furniture sa “Akashi Clean Center” at maaari itong mabisita ng lahat! 

🔶Location: Akashi-shi, Okubo-cho, Shouin 1131 1st Floor, Display Area, Akashi Clean Center

🔶Oras: Ang Display Area ay bukas mula 8:30 AM hanggang 4:00 PM at sarado ito tuwing Linggo.

Kung may furniture na nais bilhin, kinakailangang mag-apply upang mabili ito.

Kapag may dalawa o higit pa na tao ang nag-apply sa parehas na gamit ay magsasagawa kami ng lottery. 

I-scan ang QR code sa kanan, para sa iba pang mga detalye.

Kung may mga katanungan patungkol dito, tumawag lamang sa Shigen Junkanka (資源循環課).

 📞 Tel: 078-918-5794      📠 Fax: 078-918-5793

Inaanyayahan ang lahat na makipag-cooperate sa pagre-recycle ng mga maliliit na appliances o  mga ginamit na mantika

Iniipon at ni-re-recycle namin ang mga small na electric appliances o mga mantikang ginamit niyo na.

Ang mga small appliances ay tulad ng personal computer, cellphone, printer, at iba pang 48 na uri ng bagay.

Importanteng mga metal ang ginagamit sa mga appliances na ito, kung kaya’t ni-re-recycle ito upang magamit ulit sa paggawa ng bagong products.

Ang mga ginagamit naman na mantika sa pagluluto ay nire-recycle ng Akashi City at ginagamit ito sa mga sasakyang pangkolekta ng basura.

May mga box na naka-set up kung saan ilalagay ang mga appliances na nais itapon. I-check ang homepage ng Akashi City para sa mga detalye kung saan ang lokasyon ng mga box at iba pang mga info,

Para sa mga katanungan patungkol sa artikulong ito, tumawag lamang sa Shigen Junkanka (資源循環課).

 📞 Tel: 078-918-5794      📠 Fax: 078-918-5793

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる