Paunawa para sa ika-15 ng Enero 2025 mula sa Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Anunsyo ng Enero 15

 HandaSiguraduhin handa para sa Lindol.

Ang lindol ay isang sakunang hindi maiiwasan at maaaring mangyari anumang oras. Upang maprotektahan ang sarili at ang ating mga mahal sa buhay, mahalagang maging handa.

Narito ang mga dapat tandaan:

Ligtas ba ang Tahanan?

Ang bawat isa ay dapat tiyaking ligtas ang kanilang tahanan laban sa mga posibleng panganib.

Siguraduhing:

  • Maayos ang labasan sakaling kinakailangang lumikas.
  • Walang mga gamit maaaring bumagsak at makapinsala habang natutulog o nagpapahinga.
  • Ligtas ang loob ng bahay gamit ang mga safety tool tulad ng anti-tip brackets at safety straps upang maiwasan ang pagtumba ng mabibigat na gamit.

Kapag may malakas na lindol, maaaring magkakalat ang basag na gamit sa sahig. Upang maiwasan ang aksidente habang lumilikas, maglaan ng tsinelas o sapin sa bawat kuwarto.

Sapat na gamit at pagkain na pang-tatlong araw?

Narito ang mga kailangang ihanda:

  • Tubig: Maglaan ng 3 litro kada araw para sa bawat tao, dapat ito ay sapat para sa tatlong araw.
  • Pagkain: Maghanda ng mga pagkaing hindi madaling masira tulad ng naka-latang pagkain, instant noodles, at iba pang naka-pack na pagkain.
  • Kagamitan:
    • Portable gas stove at gas canisters
    • Flashlight at ekstrang baterya
    • Mobile power bank
    • Portable toilet
    • Toilet paper
    • Plastic wrap at aluminum foil (maaaring gamitin sa iba’t ibang layunin tulad ng pagbabalot ng sugat o pampainit ng katawan.)

Paano makakakuha ng impormasyon at makakontak ang pamilya?

Sa panahon ng sakuna, mahalaga ang tamang impormasyon at komunikasyon. Maaaring mahirapan ang bawat isa na makontak ang kanilang pamilya, kaya mahalagang pag-usapan nang maaga ang mga plano kung paano magkakaroon ng komunikasyon sa panahon ng sakuna.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tumawag sa 総合安全対策室 (Sōgō Anzen Taisaku-shitsu/General Safety Measures Office):

・Telepono: 078-918-5069

・Fax: 078-918-5140

Magagamit na ang Cashless Payment sa あかし総合窓口 (Akashi Sōgō Madoguchi/Akashi General Service)

Ang あかし総合窓口 (Akashi Sōgō Madoguchi), na matatagpuan sa ika-6 na palapag ng Papius Akashi sa tapat ng Akashi Station, ay nag-aalok ng iba’t ibang serbisyo para sa mga residente ng Akashi.

Simula Enero 20, 2025, maaaring gumamit ng cashless payment para sa mga sumusunod na serbisyo:

  • Pagkuha ng resident certificate
  • Registration ng seal (印鑑, Inkan/Personal Seal)
  • Mga tax-related certificate

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tumawag sa あかし総合窓口 (Akashi Sōgō Madoguchi/Akashi General Service):

  • Telepono: 078-918-5645
  • Fax: 078-918-5646
よかったらシェアしてね!
目次
閉じる