Paunawa para sa ika-15 ng Mayo 2024 mula sa Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Paunawa para sa Ika-15 ng Mayo

Ang Lungsod ng Akashi ay nag bibigay suporta para sa pagpapalaki ng mga bata.

Ang lungsod ng Akashi ay buong pusong sumusuporta sa pagpapalaki ng mga bata.

(1)        Ang mga gastos sa medikal ng mga bata ay libre hanggang sa ika-3 taon ng hayskul.

(2)        Libre ang bayad sa pag-aalaga para sa pangalawang anak at sa mga susunod pa.

(3)        Magbibigay ang Akashi ng mga diaper bawat buwan.

(4)        Libre ang mga pagkain sa mga paaralan sa sekondarya.

(5)        Libre ang pagpasok sa “Akashi City Astronomical Science Museum,” “Akashi City

Cultural Museum,” “Akashi Seaside Pool,” at “Parent-Child Exchange Space ‘Harehare.'”

Kung may tanong tungkol sa artikulong ito, mangyaring makipag-ugnayan sa mga sumusunod na opisina: “Kalusugan ng Bata” (Telepono 078-918-5656, Fax 078-918-6384), “Suporta sa Pagpapalaki ng Bata” (Telepono 078-918-5597, Fax 078-918-6191), “Patakaran sa Bata” (Telepono 078-918-6073, Fax 078-918-5196).

Mag-ingat sa Heat Stroke

Simula Mayo, magsisimula nang uminit ang panahon. Malaki ang posibilidad na magkaroon ng heatstroke. Isang paraan ay ang pagpapawis, ito ay nakakatulong para maiwasan ang heat stroke. Dahil sa biglaang pagbabago ng klima ng panahon, maaring hindi pa sanay ang katawan sa biglaang pag init ng panahon. Mag-ehersisyo o magbabad sa mainit na paliguan para magpawis. Mag ingat para maiwasan ang heat stroke.

Ang mga sintomas ng heatstroke:

Pamamanhid ng kamay at paa   Pagkahilo

   Paghilab ng mga binti

Sa katamtamang kalagayan:

  Panghihina ng katawan   Pagduduwal

   Sakit ng ulo

Sa malalang kalagayan:

  Pagkawala ng malay   Pangingisay

Kapag may sintomas ng heat stroke, maaring gawin ang mga sumusunod:   Pumunta sa malamig na lugar at magpahinga.

Uminom ng tubig at asin. (katulad ng sports drink)

Kapag hindi tumutugon sa tawag, agad tumawag ng ambulansya.

Kung may tanong tungkol sa artikulong ito, makipag-ugnayan sa “Kagawaran ng Pagpapalaganap ng Kalusugan.” Telepono: 078-918-5657, Fax: 078-918-5440.

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる