Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.
PAUNAWA MULA SA IKA-15 ng NOBYEMBRE NA ISYU
Skiing Class para sa Magulang at Anak (Enero at Pebrero 2025)
Magkakaroon ng skiing class para sa mga batang elementarya na nakatira sa Akashi City at kanilang mga magulang o pamilya. May mga instructor na magtuturo kung kaya’t maaaring sumali kahit na hindi marunong mag-ski.
Schedule:
Mayroong dalawang sessions ang skiing class:
Session 1: Enero 18 (Sabado) hanggang Enero 19 (Linggo), 2025
Session 2: Pebrero 1 (Sabado) hanggang Pebrero 2 (Linggo), 2025
Mag-oovernight sa Plato Konohana Hotel.
Slots:
45 tao lamang ang maaaring sumali sa bawat session. Kung masyadong marami ang mag-aapply, magra-raffle upang makapili ng participants.
Lugar:
Hachi Kogen Ski Resort sa Yabu City, Hyogo Prefecture
Mayroong bus papunta at pabalik. Ang mga bus ay aalis at babalik sa parehong lugar:
City Hall, Akashi Ginza Bus Stop, JR Nishi-Akashi Station, Okubo Station, at Uozumi Station.
Bayad:
Para sa Matanda: ¥17,000
Para sa Bata: ¥13,500
Note: Iba pa ang bayad para sa ski lift, renta ng gamit, at damit.
Paraan kung paano sumali:
Magpadala ng postcard at isulat ang sumusunod:
- Date ng session na nais salihan (Session 1 o Session 2).
- Pangalan ng adult representative, kasama ang postal code, address, at phone number.
- Mga pangalan ng lahat ng sasali. Para sa mga bata, isama ang pangalan ng school at grade level.
Ipadala ito bago mag Nobyembre 28, 2024 sa:
〒667-1124
Yabu City Tando 909-1, Hachi Kogen “Plateau Konohana” Akashi City Oyako Ski Kyoshitsu Team
Contact Information:
- Phone: 079-667-7111
- Fax: 079-667-7114
Ang event na ito ay pinamumunuan ng Akashi City Ski Association at Konohana Tourism Co., Ltd.
Mag-recycle upang mabawasan ang basura Bumili ng Recycled Furniture
Ang Akashi City ay nagbebenta ng mga furniture na itinapon ngunit nilinis at inayos. Nagbabago ang stock kada dalawang buwan. Kung maraming gustong bumili ng parehong item, magra-raffle upang piliin ang buyer.
Lugar:
Akashi Clean Center, 1st Floor Exhibit Hall
Address: Akashi City Okubo-cho Matsukage 1131
Oras: 8:30 AM hanggang 4:00 PM (Sarado tuwing Linggo)
Para sa iba pang detalye, basahin ang QR code na nasa announcement.
I-recycle ang Maliit na Electronics at Used Cooking Oil
Maaaring dalhin ang mga hindi na ginagamit na maliit na electronics tulad ng computer, cellphone, at printer, pati na rin ang ginamit na cooking oil.
- Ang electronics ay may lamang mahalagang metal na nire-recycle para gawing bagong produkto.
- Ginagawang fuel ang cooking oil para magamit sa mga garbage truck ng Akashi City.
Upang malaman kung saan ihuhulog ang electronics at oil, i-check ang QR code sa announcement.
Para sa karagdagang impormasyon, kontakin ang Resource Circulation Division:
- Phone: 078-918-5794
- Fax: 078-918-5793