Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.
Pahayag mula sa ika-15 ng Oktubre na Isyu
SNS na LINE ng Akashi City, nagsimula na!
Maaari nang makita sa pamamagitan lang ng cellphone ang mga impormasyon patungkol sa lungsod ng Akashi.
Sa pamamagitan nito ay maaari na ring malaman ang mga impormasyon na posibleng makatulong sa inyong pamumuhay. Isa sa mga halimbawa ng impormasyon na ito ay patungkol sa mga sakuna.
Para sa mga nais ma-update patungkol sa mga impormasyon na ito, i-add sa Line ang official account ng Akashi sa pamamagitan ng pagbasa ng QR code sa kanan.
Kung mag-a-apply naman gamit ang “ID Search” sa LINE,pakilagay ang text na “@akashicity“.
- Maaaring piliin ang mga impormasyon na maaaring makatulong sa iyong sarili.
Mga impormasyong tulad ng mga sumusunod:
- Disaster preparedness
- Pag-aalaga ng bata
- Events
- Pang-kalusugan
- Malalaman rin ang tamang paraan ng paghihiwalay ng basura at kung anong araw pwedeng magtapon.
- I-type ang pangalan ng basura at malalaman kung ano ang tamang paraan ng pagtapon nito.
- Pwede ring makatanggap ng mga paalala kung kailan maaaring magtapon ng basura.
Kung may mga katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring tumawag sa “Digital Promotion Division.” Ang numero ng telepono ay 078-918-5741. Ang fax number ay 078-918-5103.
Bisitahin ang Akashi Park upang makita ang mga magagandang chrysanthemum
Ang chrysanthemum ay isang sikat na bulaklak tuwing panahon ng taglagas dito sa Japan, at ito rin ang sinasabing bulaklak ng Akashi.
Nagkakaroon dito ng isang exhibit bawat taon kung saan ipinapakita ang mga magagandang chrysanthemum.
Ngayong taon, ito ay muling gaganapin nang libre mula ika-26 ng Oktubre (Sabado) hanggang ika-17 ng Nobyembre (Linggo).Iba’t ibang mamamayan mula sa Akashi at mga kalapit na lugar ang maingat na nagpalaki ng mga chrysanthemum na maaaring masaksihan dito,
Para sa mga karagdagang impormasyon, gamitin ang QR code sa kanan.
Kung may iba pang katanungan patungkol sa artikulong ito, mangyaring tumawag sa “Flower and Greenery Learning Garden.”
Ang numero ng telepono ay 078-924-6111 at ang fax number ay 078-924-6121.