Anunsyo ng Octobere 1, 2024 na isyu mula Koho Akashi

Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

目次

Pahayag mula sa ika-1 ng Oktubre na Isyu

Paghahanap ng mga bata para sa “After-School Child Club” mula Abril 2025

Ang “After-School Child Club” ay isang lugar kung saan maaaring manatili ang mga bata nang ligtas pagkatapos ng klase sa eskwela. Ito ay matatagpuan sa lahat ng elementarya sa lungsod ng Akashi. Maaari lamang magamit ang mga “After-School Child Club” na mayroon sa eskwelahang kasalukuyang pinapasukan. Magsisimula ang aplikasyon para sa mga nais gumamit ng “After-School Child Club” mula Abril 2025.

Mga batang maaaring gumamit nito: Mga mag-aaral sa elementarya na wala ang kanilang mga magulang sa bahay dahil may trabaho sa araw.

Panahon: Mula Abril 1, 2025 hanggang Marso 31, 2026.

Mga araw na sarado: Mga araw ng linggo at mga holiday, mula Agosto 13 hanggang 15, at mula Disyembre 29 hanggang sa Enero 3 ng susunod na taon.

Oras:

Sa mga araw na may klase: Mula matapos ang klase hanggang 5 ng hapon.

Sa mga araw na walang klase: Mula 8:30 ng umaga hanggang 5 ng hapon.

Kung nais, maaaring gamitin ito mula 8 ng umaga hanggang 7 ng gabi.

Ngunit sa mga araw ng Sabado, ito ay hanggang 5 ng hapon lamang..

Kung nais mag-apply, mangyaring magpasa ng aplikasyon sa “After-School Child Club” mula Nobyembre 1 hanggang Nobyembre 22. Para sa mga detalye, pakibasa ang “Recruitment Guidelines.” Ito ay makukuha sa mga daycare, kindergarten, Akashi General Reception, at mga sentro ng komunidad.

Kung sakaling maraming aplikante, maaaring hindi makuha ang serbisyo. Malalaman kung makakakuha o hindi sa pamamagitan ng sulat bago ang Pebrero 28.

Hindi lahat ay maaaring magkaroon ng pagkakataon na magamit ito, kung sakaling maraming aplikante. Malalaman kung makakagamit nito o hind isa pamamagitan ng sulat na ipapadala bago ang ika-28 ng Pebrero.

Para sa mga katanungan tungkol sa pahayag na ito, mangyaring makipag-ugnayan sa “Children’s Foundation – After-School Child Club Office.”

Telepono: 078-915-8170

Fax: 078-915-8175

よかったらシェアしてね!
目次
閉じる