Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.

Mga Impormasyon Mula sa ika-15 ng Hulyo na Isyu
Tara at sumama mag SUP o (Stand-Up Paddleboarding) at Kayak sa Dagat


Maaring sumali sa pang dagat na sports event para sa mga bata.
SUP o (Stand-Up Paddleboarding) / Kayak
Schedule:
September 1 (Linggo) at September 7 (Sabado). Magkakaroon ng dalawang sessions sa bawat araw.
•Oras: 10:00 AM – 12:00 PM
•Oras: 1:30 PM – 3:30 PM
Para kanino: Mga batang pumapasok sa elementary school na nakatira sa Akashi City kasama ang kanilang pamilya. Maaring mag-apply nang dalawang tao bawat grupo.
Limitasyon: 10 grupo (20 tao) bawat session. Kung sakaling maraming mag apply sa araw event na ito, maaring magsagawa ng lottery o random ng pag pili ng tao.
Bayad: 2500 yen bawat tao
Mag-apply sa “Shounen Shizen no Ie o 少年自然の家” sa pamamagitan ng telepono,
fax, o website bago ang mga sumusunod na oras:

•Para sa September 1 session: Hanggang August 22 (Huwebes) 1:00 PM
•Para sa September 7 session: Hanggang August 29 (Huwebes) 1:00 PM
Para sa mga tanong tungkol dito, kontakin ang “Akashi City Shounen Shizen no Ie o 明石市立少年自然の家”
Tara at mag-aral ng basic na Espanyol at kultura ng Peru
Magkakaroon ng klase para sa mga nais mag-aral ng basic na Espanyol at matutunan rin dito ang tungkol sa kultura ng Peru.
Schedule:
September 7, 14, 28 at October 12, 19, 26 (Kada-Sabado)
• Oras: 10:00 AM – 11:30 AM
Lugar: With Akashi (Aspia Akashi North Building 7th and 8th floor)
Para kanino: Para sa mga 18 years old pataas na nais mag-aral ng Espanyol sa unang pagkakataon o para sa mga taong nakapag-aral na ngunit nais muling mag-aral ng Espanyol.
Limitasyon: 12 tao
Bayad: 3000 yen Mag-apply bago mag-August 6 gamit ang QR code sa kanan.

Maaring tumawag sa Akashi Cultural and International Foundation sa 078-918-0044.
Kung maraming mag-aapply, mag sasagawa ng lottery o random ng pag pili ng tao..
Para sa mga tanong tungkol dito, kontakin ang “Akashi Cultural and International Foundation.”