Ang “Koho Akashi” ay isang pahayagan na inilathala ng Akashi City. Lumalabas ito tuwing ika-1 at ika-15 buwan buwan. Nakasulat rito ang iba`t ibang mahahalagang anunsyo, kabilang sa mga ito, ay mga bagay na kapaki-pakinabang na bagay na nakasalin sa wikang Hapon.
Mga Anunsyo para sa Disyembre 1 na Isyu
My Number Card para sa mga bata
Simula Disyembre 2:
a. Ang My Number Card ng mga batang wala pang 1 taong gulang ay wala nang larawan.
Kapag ginamit bilang health insurance card, gumamit ng PIN code.
b. Maaari nang ipasa ang aplikasyon ng my number card kasabay ng pagproseso ng birth certificate.
Para sa mga interesadong mag-apply, i-print ang form mula sa website ng Akashi City, sulatan ito at ipasa.
Para sa mga tanong, tumawag sa My Number Card Call Center:
Telepono: 078-918-5266 Fax: 078-918-5138
Bakuna para sa Tigdas at Rubella
Ang tigdas at rubella ay mga sakit na madaling makahawa at maaaring magdulot ng mga malubhang sintomas. Tiyaking magpabakuna upang protektahan ang mga bata at maiwasang makahawa pa ng iba,
Paalala: Maaaring pagbayarin ng 1 hanggang 2 lapad kung sakaling magpaturok at expired na ang ticket o sticker para sa bakuna.
Mga taong maaaring magpaturok:
・Unang Yugto: Mga batang 12 buwan hanggang 24 buwan ang edad.
・Ikalawang Yugto: Mga batang ipinanganak mula Abril 2, 2018 hanggang Abril 1, 2019
※Ang ticket o sticker ay may bisa hanggang Marso 31, 2025
Para sa mga katanungan patungkol sa artikulong ito, tumawag sa Child Health Center:
Telepono: 078-918-5656 Fax: 078-918-6384
Mag-ingat sa maraming kaso ng aksidente sa trapiko at sunog tuwing buwan ng Disyembre at Enero
Para maiwasan ang aksidente sa trapiko:
・Magbukas ng ilaw bago magdilim kapag nagmamaneho ng kotse
o bisikleta at magmaneho nang mabagal.
・Para sa mga naglalakad sa gabi, mag-suot o gumamit ng mga bagay na makikita ng ilawng sasakyan.
・Iwasang magmaneho ng kotse o bisikleta kapag nakainom ng alak
Para sa mga tanong patungkol sa aksidente sa trapiko, tumawag sa Traffic Safety Division:
Telepono: 078-918-5036 Fax: 078-918-5110
Upang maiwasan ang sunog:
・Linisin ang mga saksakan ng kuryente.
・Siguraduhing patay ang apoy bago maglagay ng kerosene sa heater.
Para sa mga tanong patungkol sa sunog, tumawag sa Fire Department’s Fire Prevention Division: Telepono: 078-918-5271 Fax: 078-918-5983